Tunay Bang Walang Kapintasan Si Pablo Bago Siya Nakarating Sa Pananampalataya Kay Cristo? Filipos 3:6

“[na isang Fariseo] tungkol sa pagsisikap, ay manguusig sa iglesia; tungkol sa kabanalan na nasa kautusan, ay walang kapintasan” (Fil 3:6).

Sa isang klase sa Zoom sa soteriolohiya, ang doktrina ng kaligtasan, isang estudyante ang nagtanong sa akin tungkol sa Fil 3:6. Talaga bang walang kapintasan si Pablo sa harap ng Diyos bago siya pinanganak na muli?

Ang salitang sinaling walang kapintasan ay amemtos. Ito ay ginamit lamang ng apat na beses pa sa BT. Ang mga magulang ni Juan Bautista ay “ matuwid sa harap ng Dios, na nagsisilakad na walang kapintasan sa lahat ng mga utos at mga palatuntunan ng Panginoon” (Lukas 1:6). Ito ay ginamit sa unahan ng Filipos bilang pantukoy sa pag-asa ni Pablo na ang mga mananampalataya sa Filipos ay manatiling walang kapitasan hanggang sa Hukuman ni Cristo (Fil 2:15). Ganito rin ang parehong pag-asa ni Pablo para sa mga mananampalataya sa Tesalonika (1 Tes 3:13). Sa Colosas, gumamit siya ng ibang salita para sa walang kapintasan. Sinabi niyang kung tayo ay magpapatuloy sa pananampalataya, tayo ay masusumpungan ni Cristo sa Bema na walang kapintasan (amomos).

Ngunit sa Filipos 3:6 binabanggit ni Pablo ang kaniyang sarili bilang isang hindi mananampalataya. Paano natin maipapaliwanag ito?

Ang aking sagot sa klase ay sa mga Fariseo siya ay tinuturing na walang kapintasan. Marahil isang makabagong halimbawa ang makatutulong. Ang isang Mormong nakarating sa pananampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan ay maaaring sabihing siya ay walang kapintasan patungkol sa katuwirang masusumpungan sa mga Banal sa Huling Araw.

Sinasabi ni Pablong siya ay huwarang Fariseo. Tinuturing siya ng mga kapwa Fariseo na walang kapintasan. Hindi niya sinasabing tinuturing siya ng Diyos na walang kapintasan. Hindi niya sinasabing siya ay matuwid sa paningin ng Diyos. Ito ay isang katuwirang nakatuon sa tao at isang walang kapintasan.

Ang mga komento ni Fee ay nakatutulong:

“Tungkol sa kabanalan na nasa Kautusan, walang kapintasan.” Ang panghuling aytem ay nagdadala sa katalogo sa sukdulan; ang lahat ay nakaturo rito. Ngunit ito rin ang aytem na nagpasimula ng mahahabang debate sa mga sumunod na mambabasa, dahil tila sinasalungat nito ang sinasabi ni Pablo sa ibang lugar tungkol sa kakayahan ng isang taong ingatan ang Kautusan. Ang susi sa kasalukuyang gamit ay nakasalalay sa tatlong punto- ang terminong “katuwiran,” ang kwalipikasyong “sa Kautusan,” at ang salitang “walang kapintasan”- na samasamang nagpapakitang tinutukoy niya ang pagsunod sa Torah bilang isang nakikitang gawi.

…si Pablo ay walang kapintasan sa kaniyang rekord, kung ang pag-uusapan ay pag-ingat sa Torah, na nangangahulugang maingat siyang sumusunod sa interpretasyong Farisaiko ng Kautusan, kabilang na ang detalyado nitong pamantayan sa pagsunod ng sabbath, mga alituntunin sa pagkain, at kalinisang rituwal…

Nangangahulugan itong ang “katuwiran” sa kontekstong ito ay hindi tumutukoy sa katangian ng Diyos o sa kaloob ng tamang tindig sa harap ng Diyos, kundi ayon na rin sa kwalipikasyon nito, ang “katuwirang” masusumpungan “sa Kautusan.” Bagama’t ang “Kautusan” ay hindi laging makitid na malinaw kay Pablo, marahil dito tumutukoy ito sa mga isyu ng “pagkain at inumin” at sa “pangilin ng mga araw,” dahil ang mga ito, kabilang na ang pagtutuli, ang dalawang aytem na regular na binabanggit kapag ang talakayan ng pag-iingat ng Torah ay lumilitaw sa kaniyang mga sulat…

Ang kasalukuyang punto ni Pablo ay hindi na siya ay walang kasalanan, kundi na siya ay walang kapintasan sa uri ng katuwirang pagdadalhan ng mga Judaiser sa isang tao, sa kanilang pagpipilit ng pag-iingat ng Torah. Ang kaniyang punto ay ano ang kinalaman nito sa katuwiran. Sinabi niyang siya ay magaling dito, at nasumpungan niya itong walang laman at walang kabuluhan; kaya ang kaniyang pagpipilit alang-alang sa kapakinabangan ng mga taga-Filipos na “walang kinabukasan dito” (Philippians, pp. 309-310, may dagdag na hilis).

Ang ironiya ay maaaring tayong humarap sa Diyos nang walang kapintasan sa Bema kung tayo ay magpapatuloy sa pananampalataya. Ang kawalan ng kapintasan sa Bema ay hindi tumutukoy sa kawalan ng kasalanan, dahil kung hindi, walang sinumang masusumpungang walang kapintasan. Bukod dito, isa sa mga hinahanap sa mga matatanda sa lokal na simbahan ay walang kapintasan (1 Tim 3:2; Tito 1:6-7; cf 1 Tim 6:14 patungkol kay Timoteo). Tumutukoy ito sa isang nasumpungang tapat (1 Cor 4:2). Kung tayo ay magtitiis, tayo ay maghaharing kasama ni Cristo (2 Tim 2:12). Maraming parabula ng Panginoon ang nagpapahayag ng katotohanang ito (hal Mat 24:45-51; 25:1-13; 25:14-30; Lukas 8:13-15; 19:11-27).

Walang kapintasan sa Bema. Gusto ko ang tunog nito. Hindi ba napakaganda kung masumpungan tayo ng Panginoong Jesucristo na walang kapintasan sa Bema!

Manatiling nakapokus sa biyaya.

Get Grace in Focus in your inbox

Share
Post
Email