Nakaupo ako sa eroplano’t naghihintay ng paglipad mula sa Dallas-Fort Worth patungong Orlando, Fl para sa aming kumperensiyang rehiyonal nitong Hunyo 8-9 sa temang “Is Calvinism Biblical? (Biblikal Ba ang Calvinismo?)”
Nilabas ko ang aking iskedyul sa kumperensiya at sinilip. Matapos, pinasadahan ko ang mensaheng ibibigay ko sa gabing ito.
Isang bihirang bagay ang nangyari.
Bihira para sa aking estrangherong katabi sa eroplano na kumausap sa akin labas sa pagbating hello. Ngunit kahit nga ito ay bihira. Ngunit ang lalaki na katabi ko ay sumilip at nagsabi, “Iyan ay magandang tanong. Biblikal ba ang Calvinismo?”
Naghihintay siya ng sagot. Kaya sinabi ko sa kaniyang magkakaroon kami ng kumperensiya sa temang ito at bagama’t mabuti ang intensiyon ng Calvinismo, ang sagot ay hindi, hindi ito Biblikal.
Nagbigay siya ng komentong puno ng karunungan:
Nasumpungan kong kapag ang mga Calvinista ay nahaharap sa mga sitas na hindi lapat sa kanilang sistema, nilalagay nila ito sa isang kahong tinatawag kong “misteryong kahon.” Pinaliliwanag nilang ang mga sitas sa kahon na ito ay misteryoso. Hindi natin ganap na mauunawaan ang mga misteryong sitas. Tila sinasalungat nila ang Calvinismo, ngunit alam nating totoo ang Calvinismo, kaya ang mga ito ay misteryo.
Naisip kong ito ay mahusay na obserbasyon. Ako rin ay nakabasa at nakausap sa maraming Calvinistang nagsasabing maraming sitas ang tila nagtuturong ang pananampalataya ay kundisyon ng buhay na walang hanggan, ngunit alam nating ang rehenerasyon ay nauuna sa pananampalataya. Sinasabi nilang ang ilang sitas ay tila nagtuturong ang hindi pa binuhay ay maaaring manampalataya, ngunit alam nating ang mga patay na tao ay hindi makasasampalataya. Ang ibang sitas ay tila nagsasabing si Cristo ay namatay para sa lahat, ngunit alam nating Siya ay namatay lamang para sa mga hinirang. At iba pa. Samantalang hindi nila eksplisit na binanggit ang misteryong kahon, tunay na nilalagay nila ang mga sitas na gaya nito sa kahong ito.
Tatlong beses akong nagsalita sa Orlando. Sa bawat pagsalita, binanggit ko ang misteryong kahon. Nasumpungan ng mga tagapakinig na nakatutulong ang ideyang ito.
Ang problema sa limang punto (o anim na puntong) Calvinismo ay ang sukat ng kanilang kahon ng misteryong sitas. Napakalaki. Dosena ang kanilang mga misteryong sitas. Napakarami ng kanilang sitas sa kanilang misteryong kahon na dapat na lang nilang abandonahin ang sistema at yakapin ang tinuturo ng Salita ng Diyos- na ang Panginoong Jesus ay namatay para sa kasalanan ng bawat isa upang ang sinumang sumampalataya sa Kaniya ay mayroong buhay na walang hanggan (Juan 3:16). Kailangan nilang lumipat mula sa pagiging Calvinista patungo sa pagiging Biblista.
Napag-alaman kong ang binata ay dumadalo sa isang simbahang Evangelikal sa DFW Metroplex. Tila interesante ang simbahang ito. Tila sang-ayon siya nang aking banggitin na ang buhay na walang hanggan ay isang libreng regalo na natanggap sa pamamagitan ng pananampalataya lamang, hiwalay sa mga gawa, at ang pagtitiis ay hindi kailangan upang mapanatili ang buhay na walang hanggan. Binigay ko sa kaniya ang aking tarheta at hinimok siyang i-tsek ang aming website. Umaasa akong gagawin niya ito. Siya ay napakarunong na tao. Nagpapasalamat ako sa ilustrasyon ng misteryong kahon na binigay niya sa akin. Ang totoo, binigay niya ito sa ating lahat dahil ngayon ay binahagi ko ito sa inyo.